Bahay Kubo
An indigenous house built with everything available in nature, that means no nails, amazing! Something that identifies us with our neighbors like Indonesia, Malaysia, Palau and the Pacific Islands.
"Ang Bahay Kubo ay isang katutubo at kinikilalang pambansang tahanan sa Pilipinas. Yari ito sa kawayan, nipa at iba pang halamang likas sa bansa. Hango sa salitang Espanyol na cubo ang pangalan ng tahanang ito dahil sa hugis parisukat o parihabang kabuuan nito. Naaayon ang bahay kubo sa tropikal na klima sa Pilipinas, gayun din sa pabugsu-bugsong pag-ulan. Sakaling mapinsala ito ng pag-ulan, madali naman itong palitan o itayong muli. Dahil pawang mula sa kalikasan ang mga materyales sa paggawa nito, may kagaangan ang bahay kubo kaya naman madali itong buhatin o ilikas sa tulong ng kaugaliang Filipino na bayanihan. "
No comments:
Post a Comment